MAGPAKAILANMAN presents THE DIONIE REYES STORY

Posted: May 6, 2013 in meditation
Tags: ,

“It was 2 am in the morning. Can’t sleep. Medyo frustrated. Sinabayan pa ng 24 cases. Anak ng tokwa. Di ko na alam ang alin ang uunahin ko. Clicked on the cable TV. Nothing exciting. Accidently typed the letters L-O on the keyboard. Google suggested lotto. Then it hit me! Teka, pwedeng story ito ah! Nagising na ko nang todo.”

SYNOPSIS

Araw-araw, libu-libong mga Pilipino ang sumasali at tumataya sa lotto. Umaasa sila na ito na ang tsansa na mananalo sila ng napakalaking premyo at mababago na nila sa wakas, ang kanilang buhay.

Isa na nga rito ang bida sa ating kwento, si Mang Dionne Reyes.

NUTAM RATINGS MAGPAKAILANMAN - 11.9 MAALALA MO KAYA - 9.9 PANALO KAMI!

NUTAM RATINGS
MAGPAKAILANMAN – 11.9
MAALALA MO KAYA – 9.9
PANALO KAMI!

Lumaking mahirap si Dionne. Hindi rin siya nakatapos ng pag-aaral dahil marami silang magkakapatid. Pero kahit na mahirap, nagsikap naman si Dionne na makatulong sa kanyang pamilya. Ni minsan, hindi siya nagdamot ng tulong sa pamilya niya.

Pinakasalan ni Dionne si Minda. Naging tampulan sila ng tukso ng mga tao dahil mas matanda ng 14 taon si Minda kay Dionne pero pinatunayan nilang dalawa na tunay ang pagmamahalan nila. Nag-ampon din sina Dionne at Minda ng sanggol na babae at pinangalanan nila itong Cilin. Kahit kapos man sa material na bagay, pinalaki nina Dionne at Minda si Cilin na busog naman sa pagmamahal.

Naging maayos ang pagsasama nina Dionne at Minda. Kung meron man silang bagay na laging pinagtatalunan, ito ay ang pagtaya lagi ni Dionne sa lotto. Nagbabakasakali kasi lagi si Dionne na manalo kaya kahit huli na niyang pera ay pinantataya niya sa lotto. Bagay na hindi gusto ni Minda. Mas gusto ni Minda na magsikap na lamang sa pagtratrabaho si Dionnie.

Pero dahil sa malimit na pagtaya ni Dionne sa lotto, dumating ang swerte sa buhay niya.  Dahil noong taong 2008, nanalo si Dionne ng 14 million pesos sa lotto! Hindi siya makapaniwala sa swerteng inabot niya dahil sa unang pagkakataon sa buhay niya ay nakahawak siya ng malaking pera! Bumili agad siya ng dalawang bagong sasakyan at isang malaking bahay. Binigyan din niya ng P 250,000 na balato ang isa niyang ka-opisina. Namigay din siya ng tig-iisang libong balato sa mga ka-trabaho niya. Nakatanggap din ang bawat kapatid niya ng P 50,000. Namigay din siya ng isang bagong kotse at nilibre ang lahat ng kaibigan at kamag-anak niya. Tinikman niya ang lahat ng pagkain na hindi niya natikman noong mahirap siya.

Hindi napigilan ni Dionne na magpakasaya at gastusin ang pera niya. Hindi nga bababa sa P 100,000 ang laman ng bulsa niya. At dahil sa marami siyang pera, natukso rin siyang gumawa ng kalokohan. Malimit siyang maglasing. Laman din siya ng sabungan at iba pang pasugalan. Naging mabarkada siya at nagkaroon pa ng babae.

Minsan, nahuli si Dionne ni Minda na kasama nito ang babae niya. Sobrang nasaktan si Minda dahil pakiramdam niya ay pinagpapalit na siya ni Dionne sa mas bata at mas sariwang babae. Naiyak si Minda sa ginawang pagtataksil ni Dionne. Nagsisi naman si Dionne at nangakong magbabagong-buhay na.

Pero huli na ang lahat dahil nung panahon na napagtanto na ni Dionne ang mga nagawa niyang pagkakamali sa buhay, paubos na ang pera nila sa bangko. Kinailangan pa nilang ibenta ang bahay nila pero naloko sila ng bumili. Dagdag pa rito, nalaman din ni Cilin na ampon siya. Naglayas ang bata.

Dahil sa patong-patong na problema sa pamilya, utang na hindi mabayaran at naloko pa sila, inatake sa puso si Dionne at kinailangan siyang i-bypass. Humingi ng tulong si Minda sa mga taong natulungan nila noon at nabigyan ng pera pero hindi sila inabutan kahit man lang kaunting halaga. Ang nakatulong sa gastusin ni Dionne sa ospital ay ang PCSO.

Bumalik si Cilin kina Dionne at Minda. Humingi ng tawad ang bata kina Dionne at nangako na hindi na ito maglalayas. Tanggap na niya ang lahat at nagpapasalamat siya kina Dionne dahil minahal at inaruga siya nang parang tunay na anak.

Ngayon, bumalik sa dating buhay na pagiging mahirap si Dionne. Nagsisisi siya dahil hindi niya naingatan ang perang napanalunan niya. Pero malaki rin ang pasasalamat niya sa mag-ina niya dahil hindi siya iniwan ng mga ito kaya naman, pursigido si Dionne na magtrabahong mabuti para sa kinabukasan ng pamilya niya. Unti-unti, nabayaran ni Dionne ang mga utang niya. At mas nagsisikap siyang muli ngayon para maging maginhawa ang buhay ng pamilya niya. Hinding-hindi na niya sasayangin pa ang pangalawang pagkakataon at buhay na binigay sa kanya ng Dios. Lahat ng bagay ay posible basta magsikap at magtiyaga lang siya para sa kanyang pamilya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s