THE BETTER BAGUIO EXPERIENCE

Posted: May 5, 2013 in friends, friendship, trips
Tags: , ,

It’s been my second time pa lang sa Baguio when nakasama ko ng Glee club. And I have to blame my parents minsan. See, during the elementary days, kung tama ang recall ko, yung first one is nung Grade 4 ako, isa ako sa mga napiling i-represent ang school sa isang writing contest, pero dahil takot sina Mama kasi baka raw maaksidente kami sa daan, they did not let me go. Yung second time naman is nung Grade 6, again, isa ulit ako sa mga napili for a writing workshop pero di na naman pumayag sina Mama at Papa kasi wala raw kaming pera. Echos lang nila yun. Ayaw lang talaga nilang pumayag for the same reason as the first one. Anyway, because of that, di ko na-experience kung gano raw kaganda noon ang Baguio kesa ngayon. Kasi ibang-iba na raw ang itsura ngayon ng Baguio kesa sa dati.

Naniniwala naman ako kasi nung una kong punta, 2 years ago, napansin ko nang congested ang place. At di naman sa hindi ako natutuwa na walang SM doon. It’s just that I feel na pinisikip ng SM ang Baguio to the point na kung hindi ka iikot ng Baguio, hindi mo maa-appreciate ang ganda ng Baguio which is naitago na ng mga establishments doon.

Hindi na rin ganun kaganda ang Mines View Park. Yan naman ang judgment ko based sa mga pictures na nakita ko noon sa mga classmates ko nung elementary na nakapunta ng Baguio dahil sa writing assignments. And I have to applaud the director and photographers na nagagawang romantic pa rin ang park na ito sa kanilang mga lente.

Don’t get me wrong. Hindi ko sinasabing napaka-chakalu ang Baguio. Sinasabi ko lang na nakatago ang ganda nito. Hindi na siya yung tipo ng isang lugar na unang kita mo pa lang eh mapapa-wow ka na sa ganda. You have to look into it to find and to feel its beauty.

The first time I went there, I was with an ex-friend and the family. Nakakatawa nga eh kasi para akong ampon dahil ako lang naman ang di nila kadugo and yet, isinama pa rin nila ako at mababait sila sa kin. We went to Camp John Hay, Mines View Park, the president’s rest house, souvenir’s place, SM (I forgot kung anong pinanood namin. Naalala ko na bigla, it’s an Angel and Aga film na pilit nag-Koreana treatment sa shots) and we stayed sa bahay ng mga justices.

Yung second time naman ay early this year, February yata ito, a week before the Flower Festival. I was with my Glee club friends naman na natatawa ako kasi people thought na nag-glee club ako nung college and yung isa kong barkada ko eh minura ako dahil pano raw ako matatanggap sa Glee club eh lahat ng tao, nagwo-walk out kapag kumakanta na ko (which is true). Well, it’s because of Ate Glenda. Bago umalis si Ate Glenda papuntang Canada, pinakilala niya ko sa mga ka-glee club niya. Naisip niya kasi na kapag wala na siya, malulungkot ako nang sobra kasi matagal siya dun. As in matagal kaya binilin niya na ko at si Ms. Kitty kina Ate Glen, Ate Monet, Ate Joy, Ate Tinay, Ate Sahlee etc. Binilin niya raw ako sa mga barkada niya kasi wala na raw akong kasama kapag nag-rw at nag-tr. Natawa naman ako. Si Ate Glenda talaga!

Anyway, it’s the 6th official trip of the group na nakasama ako. Talagang umabsent ako sa Oblicon kahit na nambabagsak si Sir. I had to. Burn out na ko sa mga articles plus I really have to unwind and be with my friends. Plus, I was hoping na makakatisod ako ng relevant research dun for my work pero wala eh. Yung nabasa kong mga articles online at that time, wala akong maamoy na magandang patutungahan ng research so I dropped it all and enjoyed my Baguio vacation which turned out to be better kesa sa first time. It’s because I’m with the people who really loves me and trust me.

So, after a long trip, dumiretso ako sa Local ng Magsaysay kasi nandun sila lahat at sumamba (At nakakatuwa, kasi yung mga taxi drivers talaga sa province eh marunong magsukli unlike dito na kelangan ko pang sabihin na estudyante lang ako bago ibigay sa kin ang 20 pesos na sukli!). After ng pagsamba, we all went sa palengke para bumili ng dinner.

Ate Glen was furious kasi naghahanap siya ng karneng isasahog sa gulay. Kasi iba ang amoy at lasa ng karne sa Baguio. Hindi kami sanay. Lasa at amoy baboy o manok talaga. Nagpaikot-ikot kami kasi hinahanap namin ang Monterey. Actually, alam ko naman kung nasaan ang Monterey. Katabi yun ng 7-11 pero di na ko nagsalita kasi parang highblood na ang lahat ng tao sa gutom at sa pagmamadaling umuwi. Ang ending, bumili na lang sa Andoks ng manok tapos namili rin sina Kuya Mood ng strawberries. Mas mura kasi sa palengke kesa sa ibang lugar.

Anyway, diretso kami sa Baguio Country Club kasi dun kami lahat naka-check in. Sayang nga lang kasi di ko napuntahan yung bahay ng relative ni Ate Monet kasi mas maganda raw yun compared sa bahay namin sa Country club.

Pagdating sa bahay, all were freezing kasi ang lamig talaga sa Baguio. Ako lang ang naka-shorts, t-shirt at tsinelas kasi mas feel ko ang ganung weather dahil asthmatic ako and my body hates global warming. In short, mas feel niya ang malamig.

 

This slideshow requires JavaScript.

So, we went inside the house. Changed clothes. And then, Ate Glen started cooking. Kami naman ng mga bagets, we watched the first episode of The Walking Dead on TV. Pero sina Ms. Kitty at Ate Joy, di na nakapagpigil, nagvo-volunteer na kung anong pwedeng maitulong sa pagluluto pero ang totoo, gutom na gutom na sila! Hahahaha…so habang nagluluto si Ate Glen at nakakatakot pala kapag di kumpleto ang ingredients niya kasi medyo mainit ang ulo niya. Pero infairness, kahit mainit ang ulo ni Ate Glen, nakapagluto siya ng chopsuey at pancit na napakasarap. After a few more minutes, kumain na kaming lahat. And I really don’t care about my diet (though pagbalik ko sa Maynila eh tatalakan ako ng boxing trainer ko kasi bumalik ang nawala kong timbang) when I’m with these people, ay naku naman kasi, Nieta! Ang sarap magluto eh! So kain lang ako nang kain that time.

 

Then the red wine was served. Siyempre, ito na lang ang iniinom ko ngayon. We drank red wine and played Guesstures. Di naman ako competitive against other people. I was. Iniwan ko na yan pero lekat, competitive ang mga kasama ko yata. At first, panalo na kami sa laro pero itong si Blessy, anak ng tokwa, hotdog lang pala yung pinapahulaan, kung anu-anong gestures ang pinaggagawa na di namin maintindihan. Well, there’s one quick and best way to gesture it pero di pwede eh, may mga bata kaming kasama. Ma-SPG kami! In the end, we were beaten by 5 kids! Kalokah, dahil lang sa hotdog na yan!

Then we played Pinoy Henyo which was all videotaped by Ate Joy. Kakatuwa.  I went na to bed at midnight or 1 am. Can’t remember which kasi sobrang antok na ko. Pero the boys stayed up pa until 4am. Kaya nung kinaumagahan, nakikiramdam ang bawat isa kasi sa totoo lang, we had to wake up at 6am kasi pupunta pa kami ng Strawberry farm at sa isang village. Pero dahil sa maraming puyat, 7 am na halos nakabangon ang mga tao. We went sa Breakfast lounge. Super kain. Tour the whole place. And then, off to Strawberry farm.

Nag-enjoy naman kami dito especially the bagets kasi it’s their first time to actually experience picking strawberries. Kumakain na rin kami kapag walang tumitingin para bawas timbang sa mga makukuha namin. We bought a lot of souvenirs. I bought walis, shirts and foods.

We ate the strawberry ice cream. Actually, steady naman siya. Oks naman ang lasa. Far better than Magnum ice cream. Siguro kasi natural, I mean, feel na feel mo ang strawberry taste.

Di na kami nakapunta ng Tanawan village ba yun. Lack of time na kasi dahil we need to go home na. But it’s okay because that means, next time, we’ll be going there naman. Super smiley!

We went back to our house and packed our things. Pero before going home dahil parang ayaw na naming maghiwa-hiwalay, (Actually, Ate Glen was even crying. Hay….) nag-Starbucks muna kami sa Camp John Hay. A few more conversations. And then, convoy na kami pababa. Pero later on, as we were speeding sa highway, pinauna na namin sina Kuya Bobet and Ate Glen kasi we had to stop muna sa may Lion to take a picture for souvenir then alis na rin kami agad.

We also bought yellow mais along the road. Kuya Mood bought bawangs and sibuyas kasi mahal dito sa QC and to be honest, mas masarap ang lasa ng native onions and garlic. Pero nagtagal din kami kasi traffic sa Urdaneta but thank God, may katabi kaming Victory Liner Bus kaya may free wifi kami. Medyo lobat na kasi ang pocket wifi ko that time.

We also stopped by sa may SM to eat some Chinese food kasi we’re all literally starving na from the byahe. And then, drive na naman si Kuya Mood. Hinatid namin si Ms. Kitty sa may Tandang Sora kasi dun na nag-antay si Ka Harold. Bumaba na rin si Ate Joy to get a taxi. Sa may Don Antonio naman ako binaba nina Ate Monet.

Yung second time around ko sa Baguio ang mas na-enjoy ko kasi I feel comfortable with all the people na kasama ko. I felt na mas naappreciate ko tuloy na maganda pa rin naman ang Baguio despite sa mga towering establishments nito. The now flaws of Baguio does not matter anymore to me, kasi ang mas nangingibabaw sa kin ay ang I-got-to-experience-Baguio-again and this time, it’s better, it’s more fun and it’s happier! Thank God for these Glee Club people!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s