the simplest people are the happiest ones

Posted: December 30, 2012 in friends, friendship

i always say this at alam kong sawang-sawa na ang mga tao kapag sinasabi ko ‘to. but what can i do? i can’t help it. i am just very proud of my friends. not because of their status in life but because of their hearts.

yun kasi ang importante sa akin. yung puso.

some of the people that i trust since elementary and hs days

kasi i’m working in a field na most people are showbiz.

actually, i am (you are, we are) living in a place na halos lahat ng tao ay showbiz!

kaya nga nung nag-aaral ako, mas marami akong kaibigan na gago. kakaunti lang yung mga kaibigan ko na henyong plastik. naiirita nga ako kapag katabi ko yung mga henyong plastik eh! at kahit nasa honor roll ako, i always distance myself sa mga henyo kaya naiinis sila sa kin, kasi isa ako sa tatlong nasa honor list na rebellious. but i am happy with my decision na lumayo sa mga plastic na henyo, siguro kung hindi ko ginawa yun, di ko makikilala yung elijah. two decades of friendship! o, di ba?! yun ang tunay na happiness! yung kasama mo yung totoong mga tao at kaibigan mo!

proud to be an Elijahn! Kami lang ang section na isang araw ay na-CSDE at confiscated ang ID ng lahat! record breaking sa history ng NEU!

am not saying na lahat ng kaibigan ko ay gago o talagang gago sila. in fact, they are all very smart. i am learning a little or more wisdom whenever i’m with them. ang ibig ko lang sabihin ay bakit ka makikisama sa mga taong alam mo naman na kapag nahulog ka sa bangin at ginamit mo ang last load mo para i-text o tawagan sila ay hindi sila darating?

siyempre, dun ka sa mga taong will save you!

will inspire you!

will respect your faith with God!

will love you no matter who you are o kahit gaano man kasintonado ang boses mo.

dapat dun ka sa mga taong will change you without you knowing na nagbabago ka na to become a better person.

dun ka sa mga taong pwede mong bitiwan ng saglit ang librong dapat mong basahin o trabahong dapat mong tapusin kasi excited ka na makita sila. kaya okay lang na mag-pause and have some fun muna dahil these are the people who make your life colorful and full of perfect happiness. ito yung mga kaibigan mo and/or barkada na pwede mong ituring na pamilya. kapag may problema ka, papayuhan ka nila at hindi lang basta payo kundi payo na may basbas ni Lord.

the past is the future

the past is the future

and whenever engot ka or tanga ka, sila yung walang habas na magsasabi sa’yo na engot ka nga or tanga ka at hindi sasama ang loob mo, dahil alam mo tama ang sinasabi nila. the truth hurts but they are your friends and they’ll say it to you not because they intend to hurt you to the fullest but they want you to find your way or purpose.

sila rin yung mga tao na will lift you up kapag sobra kang down. babatukan ka pa nga minsan kapag nanghihina ang loob mo. pero kapag ang yabang mo naman o nagbago ka na, sila rin yung unang mga tao na will pull you down to remind you na, “the happiest, the most successful and most contented people are those who stay on the ground.”

the only people na pinakisamahan ko nung college life. the rest are all users.

the only people na pinakisamahan ko nung college life. the rest are all users.

fuji bars

fuji bars

they are the ones na 5 minutes mo lang nakausap pero sapat na. sila yung kasama mong naglalakad sa ilalim ng ulan and then, people around will think na stupid kayo. sila yung kahit ilang taon mo na hindi nakita pero kapag nagkita kayo ulit, walang nagbago. they can make you smile and laugh kapag naisip mo lang sila. they’ll surprise you with things like isang pirasong otap pero masaya ka na. at kapag nagkagalit kayo – mag-aaway kayo nang bongga, may batuhan pa ng silya, siraan ng bag, basagan ng bote, sampalan tapos may sulian pa ng kandila pero after awhile, magso-sorry kayo sa isa’t isa tapos buo na ulit ang friendship. parang mga siraulo pero sometimes people who love each other do crazy things, make each other cry and then, laugh about it later.

kaya maswerte ako kasi inter alia, above all the bad insanity in this world, God gave me this kind of people. i am proud of them because simple lang sila. that’s why, each day of my life, i always take time to pray for my friends. mahirap kasi makahanap ng mga totoong tao at yun lagi ang pinagpapasalamat ko sa ama. sabi nga ni cheryl narvasa (one of the most brilliant writers i know. she wrote one episode ng shake, rattle and roll. and yes, yung episode niya na madre lang ang nakakatakot dun sa tatlo.), “i am telling you, karen, always be friends with the simple hearted-people, they are always the right ones.”

friday group slumber parties

friday group slumber parties

feeling ko talaga maganda ang boses ko kapag kasama ko tong mga taong ito...

feeling ko talaga maganda ang boses ko kapag kasama ko tong mga taong ito…

yes, she’s definitely right! so right now, it’s 12:43pm of december 30, 2012. at sa tanghaling ito, i am raising my glass of red wine…call me a cliche but this is me, saluting you, friends, for being with me in this incredible journey called life.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s