OROS, a film by Paul Sta. Ana

Posted: July 26, 2012 in movies

Actually, may problema ako sa Oros. Kasi nung nakita ko na yung first sequence at tinanong pa ni Makoy kung alam ba talaga ng bata kung nasaan si Abet, I knew na patay na si Abet. At since na nasabi na dati sa isang meeting nina Paul at Kuya Obet na ang movie ay tungkol sa sakla at may patay pa, alam ko na tuloy na mamamatay si Abet (played by Kristoffer Martin) at paglalamayan siya at pagsasaklaan.

Yun ang problema ko. I hate it pag nalalaman ko na ang susunod na mangyayari. Pero eto ang mas nakakabwisit.

Dahil sa sobrang brillant ng Oros eh nalimutan ko ang hula ko at nilunok ko ang pag-iyak ko kasi ang sakit-sakit ng ending, to the point na naglalabasan na ang mga tao sa sinehan ay nakaupo pa rin ako sa upuan at nakatulala. Naalala ko ang mga kapatid ko. Na-guilty ako kasi magkaaway kami kaya bigla akong napatawag at napatext sa kanila. Hinanap ko sila at tinanong kung nakauwi na dahil gusto ko silang makita at gusto kong marinig ang boses nila.

Habang pauwi ako at nakasakay sa taxi, malalim ang iniisip ko. Iniisip ko pa rin yung ending. Tumanim siya sa akin and I have to agree na ironic talaga ang buhay minsan. Kaya dapat, hangga’t buhay ang tao, pahalagahan niya ang mahal niya – kaibigan, kapatid o lover man ito.

Napakahusay ng pelikulang Oros – mula sa direksyon, kwento, cinematography, production design, pati na rin ang galaw ng camera at lighting. Naalala ko nung nagseminar ako sa I-Witness, sabi doon, pag gagawa ka ng isang kwento, ang camera ang tao. Ang camera ang sumisilip at nanonood para sa tao. At naramdaman ko yun sa Oros. Pakiramdam ko ay ako ang camera at nakikita ko sa harapan ko ang mga nangyayari kina Abet at Makoy. Feeling ko ay nandun mismo ako sa squatter na yun at nagto-tong-its o kaya ay nanonood sa sakla. I have to give it to Paul. Matagal ko nang naririnig na brillant si Paul. Kaya kapag nakikita ko yan ay namamangha talaga ako at dito sa Oros ay isa na kong opisyal niyang fan. Hindi ko rin siyempre, pwedeng kalimutan si Kuya Obet na co-writer ni Paul. Simple sila pareho pag nakausap mo at nakilala pero pag nagmeeting ay iba na ang mga ‘yan. Kaya ako karangalan na sa akin na kasama ko sila sa trabaho.

Pero sa totoo lang, para sa akin ay simple lang ang kwento ng Oros. Wala siyang gaanong twist kaya masasabi ko na totoo ang mga nangyayari. Talagang kwento na nangyayari sa totoong buhay natin. Swabe ang pagkakadeliver ng simpleng kwentong ito kaya nainis talaga ako. I-no-note ko lang na kapag ako ay nainis at nabwisit at nagmumumura sa pinanood ko, ibig sabihin ay ganun kaganda ang napanood ko.

Pero ano nga ba ang nangyari sa Oros na kinabwisit ko at hanggang ngayon ay naaapektuhan ako?

Ang Oros ay kwento ng isang mahirap na si Abet na kumukuha ng mga bangkay sa morge. Spot kung tawagin nila ang mga bangkay na ito dahil ito yung mga katawan na walang claimants sa morge. After suhulan ang manager ng morge ay isasakay nila ang bangkay at paglalamayan. Oo, paglalamayan nila kahit hindi nila kamag-anak kasi dun sila kumikita. Ginagamit ang bangkay para magsakla, para sa abuloy. And in return, ang perang kinikita nila dito ang siyang bumubuhay sa kanilang lahat. (kaya pala, lekat na yan, madalas akong napapadaan dyan sa Quezon Ave at araw-araw ay may patay! Baka may ganun din sila doon.)

Kapatid ni Makoy si Abet. Tamad si Abet at ayaw niya ang trabaho nila. May iba siyang pangarap sa buhay pero siguro, dahil na rin sa mahirap sila. Laging sinasabi sa kanya ni Makoy na wala namang ibang alam si Abet. So might as well, sundin na lang niya ang kuya niya. (May isang eksena doon na sinabi ni Abet kay Makoy na mag-karinderya na lang sila pero sinabi ni Abet na wag na lang dahil wala namang alam na lutuin si Abet. Sumagot si Abet na marunong naman siyang magprito. Nakikita dito na si Abet ay kuntento na sa trabaho nila samantalang si Abet ay may bigger dreams na nakita ko rin nung ni-ra-rap niya ang isang kanta ni Gloc-9).

Mahal ni Makoy si Abet. Kahit na lagi siyang tinatakasan ni Abet, in his way, pinapakita at pinaparamdam niya na mahal niya si Abet at walang ibang pwedeng manakit kay Abet. Kinumpiska nga niya ang balisong na binili ni Abet dahil tama si Makoy, takaw-away yun at karamihan sa mga baril o kaya may balisong sa totoong buhay ay napapaaway.

Pero ako bilang audience, nainis ako sa ginawa ni Makoy dahil syempre, alam ko na si Abet ay may kaaway at baka siya mamatay. Lalo pa kong kinabahan kay Abet nang hulaan ito ni Annabel na maikli lang ang buhay niya tulad ng tatay niya.

At tumpak nga, dahil nangyari yun. Pero hindi ko na ikwe-kwento kung paano at ano dahil to be honest, masakit pa rin sa akin ang nangyari. May sandali na iniisip ko pa rin na tinuturukan si Abet ng formalin at pinagsasaklaan. Ayan, nalulungkot na naman ako.

Pero shit! Kapag pinalabas ulit ang Oros ay manonood ulit ako at isasama ko ang kapatid ko para mapanood niya ang pelikulang ito dahil hindi sayang at kung may DVD na lalabas ay isa ako sa mga unang bibili nito. Napakahusay…napakahusay ng pelikulang ito. Nararapat lamang na manalo sina Paul dito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s