TGIF on the road

Posted: May 20, 2012 in friends, friendship, meditation, trips
Diary entry: 19 May 2012
Sinimulan ko nang isulat yung dapat kong gawin. Pero alam ko na kailangan ko na talaga ng break. Hindi break sa trabaho kundi break sa sarili ko. Mahirap kasi ang maging writer. Walang leave. Kahit anong oras at kahit saan, nandun yung nag-iisip ka pa rin ng kwento. Pero sabi ko, break nga muna tutal nasa summit naman ang mga boss ko. Kaya nag-load ako para tawagan ang lahat kasi nararamdaman ko na nagtext si Noel kaya naglobat ang isa kong cell. At tumpak dahil pagbukas ko, text niya agad ang bumungad.
From 8 people naging 6 tapos naging 9.
Bahala na ang kotse ni JB. Kasya naman kami lahat dun.
Naghintayan ang lahat sa Shopwise. Huli si Jolly.
Umikot at nagpa-gas ng xcs sa Petron. Gusto ni Ember talaga sa 9 waves pero lekat na 9 waves ‘yan!
Papauwiin kami ng 4am. Nang-istorbo pa kami sa mga tulog na kasama namin sa bahay!
So back sa original plan, go, go, go, Montalban!
Sa halagang 150 pesos each, nakapasok na ang lahat sa resort. Pati lahat ng pagkain ay naipasok and when I mean, lahat – LAHAT!
Lahat kami ay nagutom at lumamon.
Lakas pa ng sounds. Na-addict sa 5:00.
Sa halagang 50 pesos, nagpa-henna sina Noel, JB, Rajah, Jolou at Ember. Aabot naman daw ng 2 weeks sabi ni Manong na ang bilis mag-henna tattoo ha!
Dumating din si Jonathan at saka kami nagswimming.
Nag-contest sina Noel, Rajah, Jolou at Ember. Tumalon si Ember sa gitna. Effort pa yung tatlo pero nandugas si Ember at siya ang panalo!
Lumipat kami sa kiddie pool. Sumunod si JB. Kwentuhan hanggang sa may 3 lalake na nagpapansin. Lumayas kaming girls.
Pagbalik namin, kakarampot na lang ang yema cake. Buti nga at may nadatnan pa kami tira-tira sa gilid.
Kwentuhan ulit. Maya-maya pa ay bumalik na sina Jet. Iyon pala, may sumisisid sa pool. Pero ang galing kasi di na umaahon!
Nag-billiards sina Jolou at Rajah. Later on, nag-join na rin si Ember.
Nag-videoke na lang kami nina JB, Jolly, Jet at Jonathan.
Buti na lang at natulog si Noelito (2x). May tagabantay ng gamit!
Out dapat ng 5am pero bitin. Nag-extend kami hanggang 6am.
Nagshower. Nagtoothbrush.
Pinagkasya ang 9 na tao sa kotse.
Dapat sa Mcdo ang breakfast. Nauwi sa Jollibee.
Umuwi ng masaya.
May tumupad kanina. May tutupad bukas.
Sabi ng iba, “Sana may part 2.”
Sabi ko naman, “Oo nga.”
*********************************
I don’t usually show my emotions. But when I am happy and proud to be with someone, very vocal ako doon. And I am very glad that I am with friends with church mates which is, to be honest, very rare mangyari dahil I tend to choose my friends.

Lahat sila ay mababait and interesting people. Simple lang sila but when you talk to them, you’ll be amazed how smart they are. Malalim silang mga tao. Hindi rin sila yung tipo ng tao na game sa lahat ng bagay sa buhay kahit mali na. They know their limitations at marunong silang makunsensya kasi may mga takot sila sa Dios. They are fun to be with. Yes, they have flaws. Ako rin, meron dun. But what makes them perfect is their humility and loyalty to their friendships. They also value their ideals. Hindi sila basta-basta nagpapadala sa galaw ng mundo. That’s why I like them. May sarili silang paninindigan.

  • Jolly, Joan and Jonathan – nung  unang dating ko sa locale, I heard stories about these 3 siblings na henyo raw. I did not na sila pala yun. Kaya pala nung una ko silang nakita, na-fascinate na ako agad sa kanila. Nakakatuwa kaya na makakita ng taong magaling sa Math o kahit hindi sa Math! It’s always fun to talk to intelligent people kasi marami kang matutunan sa kanila. Kaya ako, I like talking to these 3. Plus, simple lang din sila pero alam mong may ibubuga. They never brag about their brightness which I really admire. At ako, sa totoo lang, nahihiya ako pag tine-text ko sila para palitan ako sa tupad kasi when I see them, I don’t know much about them but it seems like na seryoso talaga sila sa pagganap ng tungkulin nila. At nakukunsensya ako when I pass by them sa pulong at hindi ako dadalo. Isa pang bagay na bilib ako sa kanila is katulad niyan si Jolly, she said na marami raw ang umaaligid na sanli sa kanya pero deadma siya kasi sanli. Wala lang, nakakabilib kasi yung ganung tao.
  • The Glamorosa

    Jet – napansin ko lang puro “J” ang karamihan ng P9. Sinabi ko lang kasi well, sa letrang “J” nagsisimula ang pangalan ng mga kapatid ko kaya again, for some odd reason, may fascination ako sa letter “J”. But this is not about me, this is about Jet na unang nakita ko is ayoko sa kanya. Di ko rin alam kung bakit. Pero lahat ng ayoko nung una ay nagugustuhan ko rin naman sa huli. Ang pinakamatagal na nakausap ko si Jet ay nung kalihim pa siya. I don’t know kung siya yun eh and I might be wasting time writing it but still, I will write pa rin. Kalihim pa si Jet that time and siya yung nagsusulat ng tala ng grandparents ko. Na-touch ako sa kanya kasi ang bait niya sa lolo at lola ko na tipong kahit di niya naiintindihan yung pinagsasabi ng dalawa, may patience siya na makinig. Hindi siya nairita o nainis at from that time on, sabi ko, when I meet this person again, I will listen to her when she talks kasi she’s a good listener and adviser. Seryoso rin siya sa school but it doesn’t mean na hindi niya alam ang salitang “fun”. I mean, what more can you ask for a person like this? She’s simply lovable.

  • Elise – Elise Perez. Napaka-simpleng tao pero gasgas ang puso. Huwaw! My mom likes her kasi palangiti at approachable. Siguro nga, kung may dumating na alien sa mundo ay siya yung isa sa mga unang sasalubong para ngitian ang mga aliens. Pero seriously, once na nakilala mo si Elise, she’ll simply steal your heart. Siya yung ano eh, she doesn’t hold grudges on anyone. Pero kapag may alam siya na nagawa mong mali, meron siyang tinatawag na “piercing look”. Na para bang “hehe, may alam ko. dapat di ganun ang ginawa mo.” May ganun siya eh kaya kapag nagkwento ako dito na problema, the next time na magkita kami at na-piercing look niya ko, agad ko talagang sinasabi – “Uy, hindi ko na tinuloy. Nakunsensya ako eh.” Hahahaha….that’s Elise. And what I like about her, pareho kami ng paninindigan sa ____________.

    Jet, JB, ELISE & BETH

  • Beth – okay si Beth. I like her kasi she likes to laugh. Hindi siyang corny na tao. She loves dog. She’s mature. At kapag kwe-kwentuhan mo siya, matatawa ka sa reaksyon niya kasi she gushes at the right time at tataas ang kilay niya kapag nakakabwisit ang kwento mo sa kanya. Actually, iniisip ko ngayon, pano ko nakilala si Beth kasi di ko matandaan. Basta ang natatandaan ko, nakakausap ko na siya dati pa tapos nilibre niya pa ako ng palabok at pamasahe. Tama! Alam ko na, nagkakilala kami sa may tricycle tapos siya ang unang bumati sa kin. Di ko siya kilala pero nung binati niya ko, akala ko eh friendship ko na siya noon pa. Tapos nagtanong siya kung may alam ako na bahay na nire-rentahan kasi sa Manggahan siya nakatira tapos nagkwentuhan na kami tungkol sa Manggahan bilang I spent most of my childhood days there. Tapos sumakay kami ng tricycle at nilibre niya ko. And the next time, sabi niya, inaabangan niya raw ako para raw sabay kaming umalis. Ang bait niya, di ba?! Di ko naman siya kilala tapos nililibre niya ko sa tricycle?!
  • Noel – maraming nagtatanong sa akin. Bakit daw friends pa rin kami ng taong ito after ng major na away namin a few years back? Well, Noel is the kind of person na mayabang pero humble. Kapag mali siya, he knows how to say sorry na totoo kahit na deep inside ay kumukulo ang dugo niya sa’yo. I still feel that a lot of times pero deadma. That’s how he was born eh. And he respects my temper so I respect his temper. I’ve seen his many sides. I was there when he was vulnerable, when he was heartbroken, when he cried, nung nanakawan siya, nung nabugbog siya etc and believe it or not, he’s always by my side. That’s the reason why na kahit ilang beses pa kaming mag-away ni Noel, ilang beses ko man siyang hamunin ng suntukan at kahit na ilang beses pa siyang magbasag ng baso ay ayos lang. By the end of the way, it’s either gagawa pa rin siya o ako ng paraan to mend the friendship. And for that, I respect him. Isa lang ang pinaka-ayaw ni Noel, ayaw niya na binibiro siya lalo na kapag may authority siya to say something. In short, kapag siya ang boss, i-respeto siya dapat bilang nakakataas.
  • JB – Kailangan ko pa bang magsalita tungkol sa taong ito? Siguro kaunti na lang dahil sa dalas ng pagsasama namin, alam naman niya dahil lagi ko namang sinasabi sa kanya. Siguro yung number 1 na gusto ko na lang kay JB is yung di siya takot na i-proclaim na mali ako. She challenges me to think and to analyze a lot of things na minsan eh nasasabi ko na talaga na, “Jb, ginagawa mo talaga akong manghuhula!” Hahahaha…

    JB with Marshmallow Noel and Bad Romance Alden

  • Alden – Who cannot forget about Alden? Siya yung unang lalake talaga sa P9. Akala ng lahat eh tahimik lang si Alden pero hindi siya tahimik. Mas makulit siya kay Noel at saka siya yung pag may kaaway ka, “Sige, pre, barahin mo pa!” Ganun siyang tao. Nakakatawa dahil good boy na good boy ang dating niya pero pilyo at makulit. Minsan lang din yan magkwento at usually pag nagkwento ‘yan ng matagal, it’s either sobrang saya niya o sobrang lungkot niya. Pero one thing na nakakasaludo kay Alden is how he manages his money. Di naman kasi lahat ng tao eh nakakaisip na mag-ipon pero si Alden ganun siya. At proud siya sa love life niya. Tahimik lang pero dama mong proud siya. Hindi dahil sa nagkwekwento siya kundi sa kwento ng iba. Kumbaga, lalaking-lalake. Less words. Action na lang!
  • Rajah, Jolou and Ember – First time na makasama ko sila and cool silang tao. Si Ember, I think, siya yung tipo ng tao na curious pero alam niya ang limitation siya. Nung nagtanong nga siya kung kelan mauulit ang Anawangin, sabi ko, di ko pa alam. Pero ang totoo at dito ko lang sasabihin, “Sana talaga, bumalik kami sa Anawangin. Sana kasama rin tong mga taong ito para mas masaya.” I don’t know how will that happen pero ako, may plan B na kong naiisip.  Huwaw! Ang bilis! Sina Jolou at Rajah naman, they’re young and they’re fit and it’s good to see na dun nila dine-devote ang time nila at hindi sa mga walang ka-kwenta-kwentang bagay.

    Ember, Jolou, Jonathan and Rajah (para silang sisig sa likod)

  • Carlo – Kutis pag-ibig!!!! Hahaha…Sayang at di ka nakasama! Next time, sumama ka naman! Pero ako, happy ako na happy si Carlo sa buhay-pag-ibig niya ngayon. Wala lang. Basta happy.
  • Ka Nida – nagulat ako at tinawagan pa ko ni Ka Nida para ibilin si Rajah. Actually, tinawagan niya pala kami ni Noel. And it’s a good feeling na may tiwala ang isang magulang na kasama mo ang anak niya. Wala lang. It feels good. Akala ko kasi hindi ako mabuting tao. But going back to Ka Nida, gusto ko rin si Ka Nida kasi ano eh…napakatalino niyang tao. Na tipong kapag nagkwe-kwento siya sa akin. Talagang I shut up and just listen kasi ang galing niya! She has worked at AP na parang dream ko dati nung 2nd year high school ako. Tapos, she quit her job for her kids. Ang galing, di ba? Hindi naman lahat ng babae ngayon eh ganun. Mas pinipili nila ang career so when I meet women like that, I can help but silently salute them for that.

HERE ARE ALL THE SNAPSHOTS FROM THAT NIGHT. 

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s