What’s on my MESA?

Posted: March 21, 2012 in foods, meetings
Tags: ,

MESA, Tomas Morato.

Kung dati ay lagi kaming nagmi-meeting sa Max’s Roces, ngayon ay napapadalas naman kami sa MESA.

Di ko naman masisisi yung mga headwriters ko kasi masarap yung pagkain sa MESA.

Mesa facade

If you’re asking kung ano ang cuisine nila, well, they offer Filipino dishes with a twist. Pati nga yung venue nila, sa labas pa lang, Pilipinong-Pilipino na kasi mukha siyang malaking rattan. At saka, marami rin siyang bamboo. Di ba, ganito yung mga bahay sa probinsya, made of bamboo? Kaya naman, Filipino feeling agad sa ambiance pa lang ng lugar.

Ceilings of Mesa

Mabait din yung mga waiters at waitresses nila. Para ngang bagong seminar pa kasi laging nakangiti tapos kapag oorder ka ng gusto mong pagkain, i-e-explain pa nila kung pano yun niluto at kung ano ang sahog nun. Akala ko nga pati calorie content ay sasabihin na nila eh. Joke! I’m just telling how courteous and friendly the people there.

Famous nilang appetizer ang Pomelo Salad with Latik na 250 pesos.  Pero di ko na nakakain kasi inubos na ni Ate Ning. Masarap talaga yun pero nung nagmeeting kami medyo maasim lang yung halong pomelo pero pag normal days na matamis yung pomelo ay nakakarami kami ng order. Di ko na nga nakunan ng picture kasi inubos na ni Ate Ning.

Umorder din kami ng Laing Fried Rice (145 pesos) nila, Calamares, Baby squid in olive oil (270 pesos) and Crispy boneless tilapia with four sauces (290 pesos), Baked tah0ng with cheese (150 pesos) and Pandan jelly for dessert.

Happy naman lahat ng inorder namin. Taob nga sa sarap. Pero pinaka-bet ko sa dishes  yung calamares at yung tilapia. Nakakalito kasi kung alin sa apat na sauces yung masarap ihalo sa tilapia kasi lahat ay pwede!

Yung baked tahong with cheese naman, gusto ko rin yun kaya lang ewan ko ba pero that time ay hindi ako tumikim. Pero yummy din yung baked tahong. Di ko lang siya feel kainin that day.

This slideshow requires JavaScript.

Naka-dalawang order ako ng Buko Pandan jelly kasi natuwa ako dun sa vanilla ice cream na kasama. Eh paborito ko yung vanilla ice cream tapos lalo pa siyang sumarap kasi may kasamang cereal kaya dalawa na yung inorder ko. Napa-order din tuloy sina Ate Tina at Migs.

Kaya kung mapapadaan kayo sa Tomas Morato and you’re craving for Filipino dishes, try nyo dito sa Mesa kasi lutong-Pinoy talaga. Sa susunod na pagkain namin dito, chicken dish naman ang oorderin ko dahil para maiba naman sa usual na order na kung hindi tilapia ay baby squid. Well, again, di ko nga masisisi kung laging yun kasi nga masarap nga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s