Flavours of China (the kitakits with Gerbie, Gretl and Ernesto)

Posted: March 19, 2012 in foods, friends

March 2.

Days before that, tinext ko si Gretl. Kasi hindi pa kita nagkikita ever since nung birthday niya eh every birthday niya. Gusto ko nang ibigay yung libro na inorder ko for her. It’s a book written by Ricky Lee.

If there’s something common with me and Gretl. Yun ay libro. We like reading and Gretl is a good critic pagdating sa libro. She once said to me na maganda raw basahin yung The World is Flat which is gusto kong bilhin but masyado siyang mahal and besides, I think, hindi ko pa siya kailangan now. But I know, I will buy it someday.

Now, since magkikita kami ni Gretl. I also texted na rin Ernesto and luckily, may number ako ni Gerbie so I texted her na rin kasi it’s gonna be her birthday din this March.

I wanted to text more Job people but I hesitated dahil may trauma na ko before na ako lang ang sumipot sa Mcdo because nobody told me na na-cancel ang panonood ng sine. And it happened not once, not twice but thrice! So ayun, whenever I texted them, talagang unti lang yung kino-contact ko because of that trauma nga. Hehehe….

And so, dumating na nga ang Biyernes and I was late sa usapan. I had to finish some work stuffs. Si Gerbie ang nauna sa Breton then, Ernesto came and then, ako na. We had to wait for Gretl kasi mangggaling pa siya sa SM North and may tinapos din siyang something.

Gretl and Nyoy Volante! Lol!

Gerbie and me...para kaming number 10

It was really good seeing the four of us after many years. Si Gerbie, she’s a mom now and I am proud of her. Imagine, comedy relief tong si Gerbie nung school days namin eh tapos ngayon may super gwapo na siyang 3 year old son. Nakakatawa nga yung kwento niya about sa labor niya kasi imbes na yung gripping bars ang i-grip niya habang umiire ay yung dede ng nurse ang na-grip niya! Hahahahaha….ang sakit kaya nun! Si Gerbie talaga hindi pa rin nagbago. May Gertruditis pa rin! Lol! If there is something I really like about Gerbie is napakasimple niya kaya nga siguro ang email add niya ay simplygerbie. Si Gerbie, hindi yan mahilig sa tech or gadgets. Napakasimple niyang tao. Simple pero matalino. Magaling yan sa Math eh. At saka laging prepared na ang projects niyan sa school pag dumarating at talagang may assignment siya ha!

Gutom na kami pero nakuha pang mag-pose...hahahahaha

Image

Gerbie, outside Cafe Breton

Which is kaibahan naman ni Gretl. Si Gretl, laging inaantok yan sa school. Pano eh puyat sa kakatelebabad! Darating yan na di pa nakaayos ang belt, wala sa sarili ang necktie, walang slider ang folder ng project niya. Gagawa ng assignment sa recess at lunch! Pero still, yan si Gretl, matalino rin yan! Silent but deadly. Si Gretl, like Gerbie, pag nagkwekwento ka, makikinig yan at nagbibigay sila ng inputs which is very fair. Oo, fair yang dalawang yan. Hindi sila mahilig kumampi sa kung sino ang tama at sinong mali. Nasa gitna lang yan sila. Deadma sa away. Deadma sa misunderstandings. Nandun lang sila to support you and give you advice. Pero never silang kumampi. Kaya nga mahal ko yang dalawang iyan eh.

Gretl and Gerbie...sisterhood of The Corrs

At dahil sa birthdays nila, I gave Gretl the book and I bought Gerbie some chocolate cupcakes sa Frostings (na wish ko lang eh sana ni-ref niya agad nung umuwi siya).

My birthday gift to Gretl na ilang months din bago ko naibigay

Bestseller chocolate cakes of Frosting for Gerbie

We decided to eat na lang Chinese food. It’s Gretl’s favorite dish at paborito ko rin. Buti na lang kasama namin si Ernesto so may kasamang uubos ng pagkain. Joke lang, Ernesto!

Running joke namin yan kay Ernesto. Kasi nung nag-aaral pa kami, si Ernesto talaga yung taga-ubos namin ng pagkain. Ayaw kasi ni Ernesto na may tira kasi sayang. Ganyan kasi si Ernesto eh. Ano yan siya, laging nanghihinayang. Parang sa relationship. Never agad na nag-gi-give up si Ernesto. Lalaban muna yan. Pipilitin niyang intindihin ang lahat. Minsan nga kahit tinataboy na siya ng tao ay lalapit pa rin yan. Tibay niya noh?! Kaya ako bilib ako dyan. I always enjoy having conversations with him kasi malalim siyang tao.

Kung ako ay nag-e-enjoy na kasama sina Gretl, Ernesto at Gerbie, nag-enjoy din ako sa pagkain namin sa Flavours of China. Huwaw! Ang dami ko nang sinabi bago ako napunta sa resto! Hehehehe…well, first time ko dito and first time din nina Ernesto at Gerbie. We’re supposed to eat at Bonchon pero sabi ko wag dun kasi nag-Bonchon kami last meeting.

Sumuko kami lahat dito

So, ayun, sa Flavours kami napunta. Affordable naman yung prizes nila pero more than ay reasonable. Unlimited yangchow rice na ayaw mong kainin pero kapag nasa harap mo na ay kakainin mo. First time na sumuko ni Ernesto sa kanin ha!

Si Gerbie naman akala niya ay hindi niya sinisipsip yung iced tea niya yun pala ay hindi niya napapansin na panay refill ng waiter! Hay naku, Gerbie. TRIVIA: Si Gerbie, di yan iinom ng drinks unless dalawa yung straws niya ha.

It was Gretl who suggested na yung Birthday noodle ang orderin namin and then, some siomai tapos nag-yangchow kami. Plus, chicken which is paborito ko. Masarap yung happy birthday noodle nila (HBD noodle ang naging tawag ni Gretl).

HBD noodle! Yummy!

Yay! Dami naming kain!

bait ni Kuya, libre pa rin yung second order =)

Pano ko naman nasabing masarap yung happy birthday noodle? Bukod sa lahat kami ay nasarapan to the point na yung pancit na nga na yun ang ginawa kong ulam eh, hindi siya yung tipong isang kain mo ay ang bigat agad sa tiyan. May mga pancit kasi na parang tatlong subo mo lang eh ayaw mo na kasi masarap nga siya pero ang bigat sa tiyan katulad nung sa Bonchon. Kaya for me, masarap yung HBD noodle ng Flavours kasi talagang mapapakain ka at hindi siya nakakasawang pansit! Malasa yung sahog. Basta okay siya eh.

Kaya naman, I decided na minsan ay muli akong pupunta sa Flavours just for this pancit. I want to bring it home at patikimin sina Mama at Papa. I mean, kung nag-enjoy kami nina Ernesto, Gerbie at Gretl with this one. Surely, mag-e-enjoy din sina Papito at Mamita.

Mukha pa rin kaming high school. In fairness!

March 2. I don’t know kung kailan ulit kami lalabas nina Gretl, Gerbie at Ernesto but for sure, I know na may kasunod yun. And whether or not, babalikan namin ang HBD noodles ng Flavours…sa isang bagay lang ako sigurado, my friendship with the three of them ay parang pansit. Nakakahaba ng buhay!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s