AEUS PIZZA DEN (just another Sunday afternoon with the Fuji bars)

Posted: March 19, 2012 in foods, friends

PIZZA.

Yan ang isa sa mga paborito naming food trip nina JB, Jet, Elise at Beth. At this time, we’re lucky kasi nakasama namin sina Ka May at Ka Jhong. (Although, muntik na pala silang hindi nakarating kasi nalimutan ni Ka May na pizza day today)

Of course, the usual kwentuhan at basagan ng mga latest happynings sa buhay like sino ang nagpapangiti kay Jett Marie these days? Ano ang status ng you-know-what of Elise? Ilan ang mga tuta ni Beth? At bakit na naman na-late si JB?! Hahahahaha….

Pero what makes this day special? Well, aside from the fact na naniniwala ako sa sinabi ng Spice Girls sa kanta nilang Wanna Be na Friendship never ends na naging motto ko na yata; special din ang araw na ito dahil sa pizza na kinain namin.

Nagtataka kayo kung bakit? Ano ang kaibahan ng pizza na ito sa pizza ng iba?

Okay, ganto yun, I like eating. And most the times, kumakain ako sa iba’t ibang resto at hole-in-the-wall-places. Simply because, gusto ko mag-experiment ng iba’t ibang klaseng pagkain. At dahil sa ugali kong iyan na mahilig maghanap ng mga lugar na baka pwedeng kainan kasi baka masarap ang pagkain ay natagpuan ko ang AEUS PIZZA DEN.

AEUS PIZZA DEN is a small, cozy pero breathable place. It’s located at Unit D. Don Antonio Arcade, 17 Holy Spirit Drive, Don Antonio Heights QC. If you’re familiar with the LBC sa Don Antonio, yun na rin yung lugar ng AEUS PIZZA DEN.

What I like about the place is friendly siya. Hindi siya yung usual resto na pinupuntahan ko tapos nakasimangot yung mga tao. Friendly yung mga taong nagse-serve dito. They smile and ask you politely kung anong gusto mo. Basta happy yung mga tao.

Now, let’s go to the pizza. Marami ng types of pizza akong nakain pero ang gusto ko dito sa AEUS PIZZA DEN is feeling ko may pagmamahal yung pagkakaluto at pagkakagawa nila ng pizza. Hindi ko alam kung nagiging OA lang ako pero kasi mararamdaman mo yun at malalasahan mo sa pagkain kung talagang nag-effort yung nagluto na pasarapin niya yung food. Hindi lang dahil sa para matuwa ka sa sarap ng niluto niya but more than that ay gusto niya ang ginagawa niya. At yun ang nakita ko kina Kuya habang minamasa nila yung dough, naglalagay sila ng toppings at kung anu-ano pa sa pizza namin. I can see that he loves what he does. Na siguro ay hindi ko yun malasahan kapag kumakain ako sa Pizza Hut, Shakeys, Sbarro, Pedritos, Greenwich at iba pa (sa dami na nga ng nakain ko ay hindi ko na alam kung ano!), siguro dahil templated na yung ginagawa sa mga fast food chains na yun.

Which is same thing, mas naappreciate ko yung lasa ng pizza sa mga hotels like Sofitel, EDSA Shangrila, Linden Suites, Richmonde, Bellevue etc versus sa mga fast food chains na nabanggit ko sa itaas.

Kasi katulad sa AEUS PIZZA DEN, gusto ng mga chefs yung ginagawa nila. Passion nila yun eh.  Kasi yung sa fast food, parang standard taste yung dating sa akin. Basta may kulang sa lasa niya.

Maybe LOVE yung missing sa iba? Maybe or maybe not. But, I’m just saying na masarap yung pizza sa AEUS PIZZA DEN versus fast food chains. We tried their 14” Aeus’ Pizza Supremo and the 14” Andrea’s Quatro Quezo. The Aeus’ Pizza Supremo has pepperoni, roast pork, garlic, bell peppers, pineapple and mozzarella (330 pesos). The Andrea’s Quatro Quezo is made naman of parmesan, cheddar, romano and mozzarelo with creamy alfredo sauce (295 pesos). Winner yung taste. JB likes the Quatro Quezo since naman na keso lover siya. Tasty siya, thin crust, sakto yung tusta ng crust at yung halo ng cheeses, it’s a perfect taste na kaya pala iniisip ko bakit iba yung lasa niya sa four cheese na natikman ko sa TOSH kasi may halo palang alfredo sauce yung sa Aeus. Happy siya!

Yung supreme pizza naman ng Aeus is also good because hindi siya overloaded sa toppings at yung sauce niya is manipis lang which for me is yung tamang timpla ng pizza na hindi OA sa sauce like sa fast food. Kaya ang nangyayari tuloy, kapag malamig na ay hindi na malasa. Oily na siya just like sa Shakeys. Happy din siya!

By the way, here’s some snapshots I took.  I also downloaded some pictures of AEUS PIZZA DEN at their official Facebook account. Mukhang masarap din yung Vigan Pizza nila. So if you have time and maybe you are near the place, check them out kasi sulit ang bayad nyo.

This slideshow requires JavaScript.

Sayang nga lang, hindi pala kami umorder ng Nadya and Tanya’s Twin Special pizza. Kaya ganto yung name kasi kambal yung anak ng may-ari at iyon ang mga pangalan ng anak niya. Nakakatuwa kasi nandun yung twins kaya siguro si Daddy nila ay inspired at passionate sa business nila kasi gusto niya yung business nila kasi it’s for his kids.

Siyempre, aside sa almost 7 hours naming pagtambay ay kasama namin ang SARSI. Hehehe…na for me since birth ay paborito ko and it’s a good thing kasi lahat kami ay preferred yun. Si Beth lang yata ang napa-switch sa Sarsi kasi biglang hindi pwede yung shake na inorder niya kasi nag-overheat yung machine. Ako naman, nagtubig na lang ako since nag-Sarsi na ako kahapon.

Nakakatuwa, kasi hindi lang yung pizza yung masarap eh. Pati yung kwentuhan namin. Although hindi nakasama ang iba naming friendship kasi busy sila sa tupad, reunion and work stuff, still, happy ang lahat.

Honestly, when I see Elise and Jet. I am proud of what they become. Kahit hindi ko sila kilala noon, I know na iba na sila from noon. Nag-grow up na sila and as a friend, I cannot help but smile when they make kwento about their jobs. Si Elise, very happy yan at satisfied sa work niya. And maganda yung company niya. Si Jett naman nakakatuwa kasi may exams siya ngayon sa BDO and medyo natahimik nga ako nung sinabi niya na tinawagan siya for an interview nung nasa Santuario siya. Nasa isip ko nun, iba talaga si God. I hope ibigay niya kay Jett kung anuman ang gusto ni Jet sa life niya. This kiddo deserves it. I mean maghirap mag-aral and yet, here she did fine at gra-graduate na.

Si Beth naman, I like Beth’s personality. Kung magiging pizza si Beth, siguro ay siya ang Hawaiian Tropical ng Aeus. Bakit? Kasi yung flavor na Hawaiian ay masarap at hindi nakakasawa. Parang si Beth, masarap siyang maging kaibigan at hindi rin siya nakakasawa. I find her very humble. And when I see someone like that, I cannot help but admire them kasi bibihira na lang ang taong ganun these days.

Of course, there’s Ka Beth and Ka Jhong, na inspiring ang love story. Kapag naalala ko yung kwento, napapangiti rin ako kasi ganun talaga ang pag-ibig. Kahit ilang taon ang lumipas pero kapag tinadhana ng langit na kayo eh kayo. Hindi pwedeng tibagin yan kahit ilan pang ipo-ipo.

Then, there’s JB na late kasi late nagising. Hehehe…I always enjoy food trips with JB. Kasi feeling ko, ka-wavelength ko rin siya when it comes to conversing with people. Hindi pwede yung hindi nagle-level up yung topic kasi pag ganun eh senseless.

Kaya siguro, real happiness ang araw na ito eh.

Hindi lang dahil sa pizza na kinain namin.

Or Sarsi.

But it’s because, it was another food trip well-enjoyed with true people and friends.

Advertisements
Comments
  1. ♥ super like ate! well, di ka nagkamali. Glad to say, NAKAPASA aq sa exam kanina. interview na lan po aq tomorrow! yehey! iba talaga c Ama pag duminig ng panalangin at panata. Thankful aq kc alam qng kasama q xa sa buong panahon na un. For me, BIYAYA na talaga un. at mas nabiyayaan pa aq coz i have true friends like you, ate JB, ate Beth and my bestfriend Elise! 😀 ♥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s