9-16 contest

Posted: September 16, 2011 in contest

dalawa sa 10 paborito kong aklat ang noli me tangere at el filibusterismo ni jose rizal. gustong-gusto ko siya in the sense na, kapag binabasa ko siya ay tumatawa ako at umiiyak dahil noon pa man ay ganoon na pala mamuhay ang mga pilipino. kahit mahirap at puno ng pagsubok ang buhay ay gumagawa nang kung anu-anong katatawanan ang mga pinoy para lang matawa at maging masaya o kaya ay mabigyan ng pag-asa.

pero higit sa lahat, kapag binabasa ko ang mga librong ito, parang gusto kong ma-transport agad sa panahon ng mga kastila. siguro nga, kung nabuhay ako noon sa panahong ito, marahil ay isa ako sa mga lumaban sa pamahalaan ng Espanya para ipaglaban ang kalayaan ng ating bansa. baka nga sumali ako sa KKK! pwedeng naging ispiya pa ako! pwede ring ako yung tagahagis ng granada sa mga tanggulan ng mga kaaway! o kaya bantay ako habang nagpupuslit ng mga kanyon at baril ang mga kasama kong rebolusyonaryo!

pero kung anuman ang silbi ko noon, it doesn’t matter as long as maipaglaban ko ang paniniwala ko na dapat ay maging malaya tayo. at higit sa lahat, kung mabubuhay man ako noon, ire-retain ko pa rin ang pangalan ko na Karen. ayoko kasi ng Maria eh. Masyadong pormal.

ikaw…kung sakaling bibigyan ka ng pagkakataon na mabuhay sa ibang panahon? Kailan mo gusto at bakit?
kung trip mong sa panahon ng Beatles, pwede.
kung trip mo naman na biblical times, go.
any answers are welcome. Kahit seryoso, kahit pa-joke, kahit ano.
as long as sabihin mo kung kailang panahon mo gustong mabuhay at bakit.
malay mo, magustuhan ko ang sagot mo at isa ka sa dalawang mapili ko na manalo ng 300 pesos worth of cellphone load.

you can post your answers here or email me at direk_nerak@live.com.
winners will be announced at the end of September.
thank you and good luck.

Advertisements
Comments
  1. Jyl Carson says:

    Babalik ako sa panahon ni Adan at Eba. Pag nakita ko yung ahas, sasabihin ko kay Eba: “UY! Ulam!” 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s